(Mga ala-ala ng isang estudyante sa Maynila ni P. Jacinto)
Natutunan:
Ang teoryang ito
ay tumutukoy sa sariling karanasan ng may-akda na nag-udyok sa kanya para
magsulat, maaaring ito’y tungkol sa kanyang buhay pag-ibig o karanasan sa
pagkabata. Sa paksang ito’y nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa personal na
buhay sa isa sa pinakatanyag na mga bayani ng ating bansa na si Dr. Jose Rizal
na ang buong pangalan pala’y Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda. Sa
pamamagitan ng librong Mga ala-ala ng
estudyante sa Maynila na isinulat ni P. Jacinto ay nakilala ko
ang isa sa mga taong pinaglaanan ng pag-ibig ni Rizal na si Segunda Katigbak
noong siya’y mag-aaral pa lamang sa kolehiyo ng Maynila. Sa pagtatalakay ay nadagdagan rin ang aking bokabularyo ng mga salitang
bago pa sa aking pandinig tulad ng haraya, nagluwat, lango, mawatasan at ningas
na siyang nagbigay kariktan sa katha at nagpatunay lamang na ang mga akda ng
ating mga ninuno ay hindi pang-ordinaryo na agad makukuha ng literal na
pag-iisip.
Reaksiyon:
Ang buong
katangian ng akda ay talagang akma sa konsepto ng teoryang bayograpikal
sapagkat ang mga pangyayari sa kuwento ay ang mga totoong estorya ng buhay ni
Rizal na isinulat ni P.Jacinto na naglalahad sa wagas na pag-ibig ni Jose Rizal
para sa unang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso na si Segunda Katigbak. Gayupaman,
hindi talaga maiiwasan na may iba pang teorya na maaaring tinataglay ng isang
akda. Maliban sa teoryang bayograpikal ay maaaring taglayin rin ng akdang ito
ang teoryang romantisismo na ang layunin ay maglahad ng wagas na pag-ibig na
ipinapamalas ng isang tauhan para sa kanyang iniibig o tinubuang lupa.