(Ang riles sa tiyan ni tatay ni Eugene Y. Vasco)
Natutunan:
Ang teoryang imahismo ay gumagamit ng isang
imahen na kumakatawan sa buong diwa na taglay ng isang akda na siyang mas
madaling maunawaan kaysa gumamit ng mga ordinaryong salita. Ang riles sa tiyan
ni tatay ay isang akda na ngayon ko
lamang nakilala. Ito ay tumutukoy sa sakripisyong ginawa ng isang ama upang madugtungan ang buhay ng kanyang anak na nasa
bingit ng kamatayan. Maliban sa magandang mensahe ng akdang ito’y napalapit rin
ako sa may-akdang si Eugene Y. Vasco na noo’y estranghero pa lamang sa aking
pandinig.
Reaksiyon:
Ang konsepto ng teoryang imahismo na gumamit ng imahen ay hindi nakapagtatakang taglay ng akdang Ang riles sa tiyan ni tatay. Ang imahen na ginamit sa kwento ay ang balat sa tiyan ng ama na sumisimbolo sa pagkamatiisin ng Pilipinong ama maiahon lamang ang pamilya sa mga pagsubok na pinadaraanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento