Huwebes, Nobyembre 23, 2017





Teoryang Formalistiko
(Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia)
Natutunan:
      Ang teoryang formalistiko ay tumutukoy sa mga akdang ginamitan ng payak na kaisipan ng may-akda na may layuning maglahad ng mga kaisipan sa literal na pamamaraan. Sa tulong ng paksang ito’y nabigyang pansin ko ang obra ng manunulat na si Fanny A. Garcia, Ang kwentong sandaang damit na tungkol sa isang batang biktima ng diskriminasyon dulot ng kahirapan na kanyang tinatamasa dahil dito’y napilitan siyang magpanggap na nagmamay-ari siya ng sandaang damit upang mapahanga niya ang kanyang mga mag-aaral.


Reaksiyon:

      Ang takbo ng kuwento ay napakapayak at angkop sa mga batang babasa nito sapagkat hindi nito kinakailangan ang malawak  kritikal  na pag-iisip ng mambabasa upang makuha ang kabuuang kaisipan ng kuwento at dahil dito’y masasabi kong akma ang akdang ito sa konseptong taglay ng teoryang formalistiko na kung saan ay ginagamitan lamang ng payak na panitikan ng may-akda ang paglalahad sa mensaheng taglay ng akda. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento