(Nanay Masang sa Calabarzon ni Son F. Juvida)
Natutunan:
Sa paksang
ito ay natutunan ko ang tungkol sa isang teoryang pampanitikan na ang layunin
ay ilahad ang kakayahan at iangat ang
pananaw ng lipunan sa mga kababaihan. Noon pa man ay may diskriminasyon na sa
kasarian sa halos lahat ng aspekto tulad ng paghahanap-buhay at pamumuno kaya’t
sa pamamagitan ng mga akdang taglay ang teoryang ito’y kahit papaano’y nabigyang
pansin ang mga kakayahang taglay ng isang babae na noo’y hindi inakala ng
lipunan. Sa tulong ng paksang ito ay nabigyan ako ng pagkakataong makilala ang
napakagandang akda ni Son F. Juvida na tumutukoy sa kwentong kung saan ay
nagpamalas ng katapangan at matibay paninindigan ang mga kababaihan nang
pangunahan nito pakikibaka sa mga taong nais angkinin at sirain ang lupang
tinatamnan na pinagkukunan nila ng hanap-buhay.
Reaksiyon:
Ang layunin
ng teoryang pampanitikan na Feminismo ay akma sa mensahe, pangyayari at mga
katangian ng pangunahing tao sa akdang Nanay Masang sa Calabarzon. Ang kwento
ay umiikot sa istorya ng isang pamayanan na ang pangunahing hanap-buhay ay
pagsasaka ngunit sa kasamaang palad ay may nais lumapastangan sa kanilang
simpleng pamumuhay na gustong bilhin ang sakahan at pagtayuan ng kung anong gusali. Dulot
nito’y pagkabahala ng mga tao sa nasabing lugar kaya’t pinakitaan agad nila ito
ng pagtangging pinangunahan ng mga kababaihan. Batay sa mga tagpong ito ng
kwento ay masasabi kong tinataglay rin
ng akdang ito ang teoryang humanismo na kung saan ay binibigyang pansin ang
kakayahan ng taong magdesisyon para sa kanyang sarili tulad ng pagdedesisyong
ginawa ng mga tauhan sa kwento ngunit gayunpama’y mas nangingibabaw pa rin sa
akda ang katangiang taglay ng teoryang feminismo sapagkat nakapokus ito sa
katapangan at pagdedesisyon ng mga kababaihan higit pa sa ibang kasariang
nakapaloob sa katha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento