(Sayang na Sayang)
Natutunan:
Ang teoryang
romantisismo ay ang pinakamadalas na taglayin ng mga akdang makabago sapagkat
ito ay may matinding epekto at patok sa panlasa ng mga kabataan ngayon. Ang
pananaw ng teoryang ito ay pagpapahalaga sa damdamin ng isang tao para sa
kanyang napupusuan o sa kanyang iniibig na tinubuang lupa. Ayon sa teoryang
ito’y hindi masasagot at maipapaliwanag ang katanungan at karanasan tungkol sa
puso. Sa talakayang ito’y napalawak ang aking pag-iisip tungkol sa usaping
pag-ibig at mga suliraning kaakibat nito tulad ng nangyari sa kuwentong Sayang
na sayang na umiikot sa kuwento ng dalawang nagmamahalan ngunit hindi
nagkatuluyan sa huli. Gayunpama’y iginiit pa rin ng mga mag-uulat ang tungkol
sa tunay na pag-ibig. Dulot ng talakayang ito’y naitanim ko sa aking isipan ang
ginintuang mensahe na ang pagmamahal ay ugat ng lahat ng mga mabubuting bagay.
Kung ito lamang sana ang taglay ng lahat ng tao, ganap na sanang payapa ang
mundo.
Reaksiyon:
Ang kaisipan ng
teoryang romantisismo ay talagang akma sa katangiang taglay ng akdang tungkol sa
pag-ibig na Sayang na Sayang sapagkat binibigyang-diin dito ang pagkadalisay ng
pag-ibig ng isang tauhan para sa kanyang iniibig.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento