(Caregiver ni Chito Rono)
Natutunan:
Ang teoryang
ekspresyunismo ay tumutukoy sa mga akdang kung saan nagpapamalas ng masidhing
damdamin ang may-akda sa pamamagitan ng mga diyalogo o mga emosyunal na mga
salitang binibitawan ng mga tauhan sa kuwento na talagang tumatak sa puso at
isipan ng mga mambabasa. Sa pamamagitan ng paksang ito’y nadiskubre ko ang isa
sa mga nakakaantig pusong obra ng mga masisining na mga manunulat sa ating
bansa, Ang pelikulang Caregiver na pinagbidahan ni Sharon Cuneta sa direksyon
ni Chito Rono na kwento ng isang OFW na
nakipagsapalaran sa Singapore. Ang linyang “I care about my job sir and I care
about you” ay katagang tumatak sa isip at puso ng mga Pilipino na kahit ngayon
ay hindi pa rin kumupas.
Reaksiyon:
Ang teoryang
Ekspresyunismo at Caregiver ni Chito Rono ay hindi naman malayo sa isa’t isa.
Akma pa rin ang konsepto ng teorya sa naturang akda gayunpaman ang teoryang
tulad ng realismo na binibigyang diin ang katotohanan kaysa kariktan at feminismo
na layuning ipamalas ang kakayahan ng kababaihan ay may pagkakahawig sa
katangian ng pelikula. Realismo, sapagkat ang buhay OFW na inilahad sa pelikula
ay talagang nagyayari sa totoong buhay at talagang maraming makapagpapatunay
rito lalo na’t mas kumakapal ang populasyon ng mga PIlipinong nangingibang
bansa. Feminismo, sapagkat ang kasarian ng pangunahing tauhan sa pelikula ay
babae na nagpamalas ng katapangan, kabayanihan, kabutihan at pagkamatiisin sa
hindi birong pakikipagsapalaran nito sa ibang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento