Huwebes, Nobyembre 23, 2017


Teoryang Naturalismo
(Walang Panginoon ni Deosgracias Rosario)


Natutunan:
Ang teoryang ito’y nagbibigay-diin sa namana at pisikal na katangiang likas ng tao kaysa katangiang moral na kung saan ay may simpleng tauhan na hindi mapigil ang damdamin. Ang teoryang ito ay nagtataglay ng katangian kahawig ng teoryang realismo.
        
Reaksiyon:
    Ang konsepto ng teoryang Naturalismo ay akma sa katangiang tiantaglay ng akdang Walang Panginoon ni Deosgracias na kung saan ay binibigyang diin ang katangiang likas ng tao na higit pa sa kanyang katangiang moral nang sumiklab ang matinding galit ni Marcus para kay Don Teong. Dahil sa matinding galit ni Marcus ay nauwi ito sa hindi magandang pag-iisip ngunit sa huli’y ay hindi siya ang nakapaslang ditto kundi ang kalabaw nito na sumungag kay Don Teong. Sa tagpong ito ng kwento ay nangibabaw ang likas na katangian ng tao na siyang dahilan kung ito akma sa teoryang naturalismo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento