(Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia)
Natutunan:
Sa tulong ng
paksang ito’y nadagdagan na naman ang aking kaalaman tungkol sa mga teoryang
pampanitikan. Ang teoryang markismo ay may layuning ipabatid sa mga mambabasa
na lahat ng tao’y may karapatang iangat ang estado niya sa buhay.
Reaksiyon:
Ang konsepto ng
teoryang Markismo na kung saan inasahan
ko ang pag-angat ng isang tauhan mula sa pang-ekonomiyang kahirapan, suliraning panlipunan, at pampulitika ay
hindi nakita sa akdang sandaang damit. Ang bata sa kwento na nagpanggap bilang
mayaman upang takasan ang diskriminasyon dulot ng kahirapan ay nagwagi na
mapaniwala niya ang kanyang mga mag-aaral na humanga sa kanyang sandaang damit
kaya’t natamasa niya ang respeto mula rito ngunit sa huli’y ay lumabas rin ang
katotohanan at hindi ko iyon maituturing na pag-angat ng isang tauhan mula sa
negatibong aspeto ng buhay. Nalaman rin ng kanyang mag-aaral na ang sandaang
damit na tinutukoy nito’y papel lang pala. Sa huli’y ay hindi naman iginiit ng
may-akda na namuhay ng mapayapa ang bata na malayo sa diskriminasyon bagkus ay
ipinahiwatig ng akda na hindi solusyon ang pagapapanggap upang makatamo ng
respeto at pagmamahal mula sa kapwa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento