Huwebes, Nobyembre 23, 2017






Teoryang Realismo:   
 (Si Intoy Syokoy ng kalye Marino ni Eros Atalia)


Natutunan:
     Ang teoryang realismo ay may layuning bigyang-diin ang katotohanan kaysa kariktan. Ang mga nakapaloob sa mga akdang ito’y pawang mga katotohanan na maaaring patungkol sa lipunan, o sariling karanasan tungkol sa isang paksa.

Reaksiyon:
     Ang maikling kwentong Si Intoy Syokoy sa kalye Marino ay akda na isinulat ni Eros Atalia na kung saan inilalahad ang mga makatotohanang pangyayari sa likod ng paninirahan ni Intoy Syokoy sa Kalye Marino na isang katotohanang nagpapatunay na ang akdang ito’y nabibilang sa teoryang realismo. Dito ay inilahad ang kahirapan na natamasa ng tauhan sa kuwento at ang masalimuot niyang karanasan sa buhay pag-ibig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento